marahil nakapag tataka ang titulo na aking blog. pero sinadya ko talagang pinag ukulan ko ang aking post para sa aking asawa este magiging asawa.
bago simulan ang aking dapat sabihin gusto ko muna ipanuod sa inyo ang aking isa sa paborito kong kanta. marahil maiiyak kayo sa kantang ito... kung ganun, nagkakaintindihan tayo.
*masyado kong nauunawan ang kantang ito. ewan ko ba kung bakit pero ang alam ko parehas kami ng storya sa magkaibang oras at panahon. sa tuwing naririnig ko ang kantang ito luha ang tumutulo sa aking mukha tanda ng pagkasariwa ng alaalang bumabalik sa akin, mga sakit na aking napag daaanan. marahil kahit sinong tao ay maiiyak kung ang stirya mi ay ganito. isang bagay lang nag aking masasabi sa music vid na to. "saludo ako sainyo silent sanctuary!"
sa aking pag iisip, ang di ko maiwasan hindi maisip ang babaeng minahal ko ng todo todo sabay iiwan ka sa ere. hanggang ngayon sa araw araw na ginawa ng diyos ang mundo mukha ko ang nakikita nya... sa panaginip, sa cellphone, sa computer at sa wallet. hindi ko maamin na hindi ko na siya mahal. marahil dala ito ng sobrang pag mamahal ko sakanya kaya nag kaganito din ako. di ko maiwasan sabhin sa sarili ko na 'wala na ba talaga siya sa akin?' mga tanong na gumuguhit sa aking utak. sadyang kay hirap ang pag ibig lalo na kung umiibig sa taong wala ng pakielam sayo ng ganun ganun lang. ayokong isipin na masakit pero sadyang masakit talaga ang aking pinagdadaanan. kung nararamdaman mo siguro ang sakit at hapdi ng ginawa mo marahil patay ka na ngayon. isa lang naman pakiusap ko sayo. wag mo naman ako hiyain, isang pagkakataon na lamang ang aking hinihingi, sana man lang mapagbigyan mo ako. kasi kahit ang hirap sabihin, umaasa pa rin ako sayo. :(
sana lang maging okay tayo."
No comments:
Post a Comment