Siguro nga ako yung tao na tahimik pero maraming tumatakbo sa isipan....
Alam ko naman na ako yung nagkamali noong isang linggo at inaamin ko na ako lahat ang may kasalanan. Isang gabing hindi ko namalayan ang mangyayari. Isang masayang gabi sana ang inaasahan nating lahat pero ako yung impokritong gago sa kadahilanan ng sariling interest. Pero sana intindihin nyo rin na nag sisi ako doon. Sa akin naman hindi ko mababago yung pag iisip nyo o kung ano yung iisipin nyo. Ang sa akin lang alam ko sa sarili ko na pinag sisihin ko na yun at ayoko ng balikan ang isang pagkakamaling hindi dapat nangyari, isang bangungot na ayaw ko ng makita pa. At sa mga taong bumabatikos sa pagkatao ko (Lalo na sa mga taong tinuring kong kaibigan at ang akala ko kayo ang titimbang sa nangyari) Maraming Salamat! Ngayon kilala ko na talaga kayo. Sa mga taong nag sasabi na blinock ko sila sa Facebook, wag kayong mag alaala hindi totoo yun. Bago nyo isipin yan, Hinarap ko na ang problema. Ayoko lang palakihin pa kaya lumayo muna ako. At sa mga kaibigan kong tunay, tunay at galak akong nag papasalamat dahil andyan kayo sa mga panahong kailangan ko. Salamat! Sa huli, alam ko na makakatulog na ako ng mahimbing sa aking malambot na kama at may ngiti sa aking mga labi. Magandang gabi kaibigan!
No comments:
Post a Comment