Saturday, April 30, 2011

Transferring old file.

Sa tunay na diwa ng pasko

Ano nga na ba ang tunay na diwa ng pasko? Napupulot ba sa tabi tabi ang tunay na ibig sabihin ng pasko? Ang diwa ng pasko ating pag usapan. para may mapag usapan man lang. :)

*Siguro naman, napaka sikat na ang katagang 'pasko' ayon kay pareng Jimmy Wales ang salitang 'pasko' ay nangangahulang 'Misa ni Kristo'. sa madaling salita ang pasko ay tunkol kay hesus ang ang ating tagapagtanggol.


kung titignan natin, ano ang kadalasang naiisip ng mga tao tuwing pasko? pera? siguro nga! bonus, 13th month salary o kung ano pang extra income ang binibigay. pagkain? kay daming pagkain, sari sari, kung kumain parang walang kinabukasan. reaglo? maraming regalo nga ang nakukuha natin ngayong pasko. bakasyon? sinasamantala ng iba sa atin ang pag bakasyon sa ibang lugar upang mapasaya o maaliw ang ating sarili at ang ating mahal sa buhay. siguro nga tama ang mga ito para satin. santa claus? sa tingin ng napakaraming bata o minsan ng mga tinaguriang 'mature' na tao na si santa claus ang tunay na binibigyan pansin twing pasko. PERO meron ba sa atin nakaisip na ang tunay na pasko ay nasa isang sanggol na ipinanganak sa isang habhaban sa bayan ng bethlehem? meron ba sa atin ang nag bukas ng pintuan upang ipagsilbi ang tunay na may kaarawan ngayong PASKO.


sa tingin ko wala naman masama kung magsasaya tayo ngayong pasko, wala naman sinabi ang diyos na ibigay natin ang lahat para sakanya ngayon pasko. pero siguro bilang tao pagpapasalamat sa kanya ang ibigay natin upang masuklian naman natin lahat ng kanyang ibingay sa atin. isang simpleng pasalamat kahit sa araw lamang ng pasko. mas matutuwa pa siya kung pag sisilbihan natin ang ating kapwa ngayong pasko. ayon nga sa kanya na 'mag tulungan tayp' pero bakit ganun? ang humihirap ay humihirap pa din, ang yumayaman ay mayaman pa din. tsk. nakakapanghinayang na kahit ngayong pasko man lang. sana walang pamilya ang nagugutom, sana walang bata ang natutulog habang ang karamihan ay nag salo salo ngayong noche buena. siguro kung nabubuhay lang si super friends o si bro ayaw nya na may batang malungkot sa kaarawan nya. oo nga naman sino ba ang may gusto na sa kaarawan nya maraming tao ang naglulungko, iniisip ang problema na o nag hahanap ng makakain? syempre wala.


mag isip isip kung ano nga ba ang magagawa natin upang maunawaan ang tunay na diwa ng pasko..


sana naman ngayong pasko matuto na tayong para sa iba. isa lang naman ang tunay na diwa ng pasko. hindi magarbongg damit o malalaking salapi. hindi mamahaling reagalo o masasarap na pag kain. ang tunay na diwa ng pasko ay ang pag kakaisang upang umangat ang tao ng walang tinatapakan na tao. pag tutulunagan natin upang ang bawat pangarap ay matupad. bawat isa ay may papel ngayong pasko. bawat isa ay kapatid ni bro. kaya ating ipagbinhi ang tunay na na diwa ng pasko ang kasiyahan ng bawat mamayanan kasalo ang ating panginoon na si bro o super friend. :) merry christmas! :)

No comments:

Post a Comment