Sa bawat pag ikot ng oras at pag galaw ng mga tao sa ating paligid, marami tayong hindi namamalayan. May mga bagay tayong hindi alam pero nangyayari sa atin. Habang wala tayo sa wisyo, hindi natin alam na ang mga bagay na tinuring natin na mga tunay na kaibigan ay iiwan ka din pala sa ere. Sa ganitong pangyayari, akala natin may mga magagandang intesyon sa atin ngunit kapag tayo ay nakatalikod ay panay ang babanat sa atin ng kung anu-ano. Hindi natin malalaman sapagkat ang kanilang mga itsura ay kasing bait ng anghel ngunit sa likod pala nito ay ang mga buntot ng isang demonyo. Sana nga lang ay naging maagap lang ako sa mga nangyari. Sana lang alam ko na ganito ang mangyayari. Sana lang naging mapag masid ako sa mga nangyari. Ngayon akoy naniniwala na ang isang tunay na kaibigan ay laging andyan sa mabuti man o sa masama.
No comments:
Post a Comment