Friday, December 24, 2010

di na tayo tulad ng dati..

kanina pag gising ko sa aking kama. (na medyo naalimpungatan lang at natulog pa sa baba) pero naisip ko lang na dalawang pasko na rin pala na hindi tayo maayos. ganito ba ang kakambal ng kasiyahan kasama ang pamilya natin? sana naman hindi. nag kataon pang pasko kung kailan tayo hindi ayos. :| nakakalungkot isipin na ang mga panahon na dapat ay nag tatawanan tayo ay nakasimangot pala at masasakit na pananalita ang matatanggap mo.

naisip ko bakit nga ba tayo nag kaganito? ang hirap maunawaan ang pinag mulan kung bakit tayo hindi maayos. pero nakakahinayang lang yung mga panahon na masaya tayo sa isa't isa nag tatawaman at nag kukurutan. ang sarap isipin ang mga bagay na pinahahalagahan nyo dati at ngayon ay isa na palang basura sa paningin nya. ang mga tanong na lumalabas sa aking isipan kung 'ano ba ang aking maling nagawa at bakit mo ako ginanito?' mga tanong na sa aking pag lalakad sa buhay ng kapalaran ay tinatanong pa din.. hinahanap ang sagot. kung saan man mapapad ng mga paa ay sana andun na ang sagot. ngayon ang mga katagang 'di na tayo tulad dati..' ay aking pinang hahawakan. :( 

No comments:

Post a Comment