Saturday, August 13, 2011

Wag kang mabadtrip sa mga taong paninira lang ang alam gawin

Sa bawat pag ikot ng oras at pag galaw ng mga tao sa ating paligid, marami tayong hindi namamalayan. May mga bagay tayong hindi alam pero nangyayari sa atin. Habang wala tayo sa wisyo, hindi natin alam na ang mga bagay na tinuring natin na mga tunay na kaibigan ay iiwan ka din pala sa ere. Sa ganitong pangyayari, akala natin may mga magagandang intesyon sa atin ngunit kapag tayo ay nakatalikod ay panay ang babanat sa atin ng kung anu-ano. Hindi natin malalaman sapagkat ang kanilang mga itsura ay kasing bait ng anghel ngunit sa likod pala nito ay ang mga buntot ng isang demonyo. Sana nga lang ay naging maagap lang ako sa mga nangyari. Sana lang alam ko na ganito ang mangyayari. Sana lang naging mapag masid ako sa mga nangyari. Ngayon akoy naniniwala na ang isang tunay na kaibigan ay laging andyan sa mabuti man o sa masama.

Friday, August 12, 2011

Mas pinili ko lang kung saan ako mas tatahimik..

Sa mga nag tatanong, nawala po ako sa Facebook at baka mawala na ng tuluyan sa nasabing social networking site na ito. Mas pinili ko yung tahimik ng mawala na ang kaguluhan sa aking utak. Ayoko na rin naman ng gulo, ang nangyaring yun ay tapos na at hindi na dapat balikan pa. Intindihin na lang natin lahat ang isa't isa. Salamat!

Alam ko naman na ako yung nagkamali

Siguro nga ako yung tao na tahimik pero maraming tumatakbo sa isipan....

 Alam ko naman na ako yung nagkamali noong isang linggo at inaamin ko na ako lahat ang may kasalanan. Isang gabing hindi ko namalayan ang mangyayari. Isang masayang gabi sana ang inaasahan nating lahat pero ako yung impokritong gago sa kadahilanan ng sariling interest. Pero sana intindihin nyo rin na nag sisi ako doon. Sa akin naman hindi ko mababago yung pag iisip nyo o kung ano yung iisipin nyo. Ang sa akin lang alam ko sa sarili ko na pinag sisihin ko na yun at ayoko ng balikan ang isang pagkakamaling hindi dapat nangyari, isang bangungot na ayaw ko ng makita pa. At sa mga taong bumabatikos sa pagkatao ko (Lalo na sa mga taong tinuring kong kaibigan at ang akala ko kayo ang titimbang sa nangyari) Maraming Salamat! Ngayon kilala ko na talaga kayo. Sa mga taong nag sasabi na blinock ko sila sa Facebook, wag kayong mag alaala hindi totoo yun. Bago nyo isipin yan, Hinarap ko na ang problema. Ayoko lang palakihin pa kaya lumayo muna ako. At sa mga kaibigan kong tunay, tunay at galak akong nag papasalamat dahil andyan kayo sa mga panahong kailangan ko. Salamat! Sa huli, alam ko na makakatulog na ako ng mahimbing sa aking malambot na kama at may ngiti sa aking mga labi. Magandang gabi kaibigan!