Sa mundong ating ginagalawan, kailangan mong tanggapin na walang permanenteng bagay ang mararamdaman at makukuha mo.Sinasabi ko na ang mga bagay na makikita mo ngayon ay pwedeng mawala na kinabukasan. Ang ibig sabihin ko lang na may mga bagay na kailangan na natin limutin at kailangan na nating tumayo at mag simula ng panibago dahil wala tayong mapapala kung iiyak tayo sa isang sulok at magmukmok sa mga bagay na minahal natin.
Noong nakaraang lunes, hindi ko maiitatanggi na ikaw yung nakasabay ko sa bus. Walang kakaba-kaba, walang naramdaman na tibok sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero kung ganun ang nangyari sa tingin isa lang ibig sabihin nun na nakatayo na ako at nakabangon sa pagkalugmok galing sa matinding pagkadapa.
Wala na akong masasabi o mahihiling sayo. Kung ano man ang mangyari sayo, isang bagay na lang na hindi ko na papakaelaman. Dinala tayo ng agos ng buhay sa magkaibang daan at masaya na ako na ganun ang aking pupuntahan.